Pasintabi sa mga kumakain…
Nasubukan niyo na bang mag emergency ng landing, este ng feeling na may kumukulo sa inyong tiyan? Yung bang tila babagsak na ang iyung ibak at ikaw ay nasa kahabaan ng Rizal Avenue? Anong unang pangalan ng restaurant o kainan ang papasok sa iyong isipan?
Tama, walang iba kundi si Pareng Jo, Jollibee! Yung may icon ng bubuyog.
Pero napagtanto ko na ang lahat ng iyan ay noung araw lamang. Bakit kamo? Subukan mo ngang magawi sa Monumento, bago ka dumating sa LRT kung galing ka sa 12Th Ave. Kung galing ka naman ng EDSA ay nasa gawing kaliwa siya ng Rizal Avenue paglagpas ng LRT, Munumento Station.
Yan ang bubulaga sa iyo. Eh pano mo mairaraos ang nag susumiksik at nag pupumilit na lumabas na ebak kung ganito ang eksena? Isang kubeta na ding-ding lang sa likod ang meron at walang sariling pinto at sariling pader. Animo isang fountain sa isang disyerto at napapaligiran ka ng ihian.
Pero teka, sasabihin mo, pwede mo naming I-lock ang pinto. Try nyo lang, at ang tatambad sa inyong mga mata na lock ay . .. “wala”. Tama kuya, walang lock sa pinto (Main Door).
“Eh paano mo naman nalaman?” ang tanong niyo. Eh, nangyari sa akin yan.
Buti na lang at ang katabi niya (na sa tingin ko ay laging gustong magkatabi o magkatapat) na si Pareng Mc( MC DO) ay merong maayos na CR.
Hay salamat po. Kailan ba ang C.R. ay comfort room at kailan naman ito nagiging Uncomfort Room?
Kayo naman ang maghanap ng ganitong CR sama ako ng lima.
| 2.5 |
melvinzeus




My StumbleUpon Page

on Dec 15th, 2007 at 4:44 pm
hehhee. baka ayaw ipagamit. props lang.
on Dec 15th, 2007 at 10:19 pm
Buraot - oo nga ano? Malamang nga props lang. Hehehehe. thanks Sir.
on Dec 17th, 2007 at 10:17 pm
mahirap nga yan, anyhu father san ka sa kalookan? baka nagkikita na tayo sa mata deadmakels lang tayo sa isat isa hahaha
on Dec 19th, 2007 at 9:55 pm
Dyan lang ako sa Tapat ng Ever Grand Central Mall. Bili ka Islander bigyan kita discount. Email mo ako bigay ko landline ko…
on Dec 20th, 2007 at 9:39 pm
oic, cge pag nagawi ako monumento daan ako dun