Isang Bukas na Liham

knife

Sa Mga Kasamahan ko sa trabaho.

Mahigit isang taon na rin tayong nagkasama at sa pag kakaalam ko ay lubos ko na kayong kilala. Nagkamali pala ako!

Masama at mabuti itong huling nangyari. Masama sapagkat may isang taong nag-resign sa trabaho na hindi ko kagustuhan. Mabuti sapagkat nalaman ko ang tunay na anyo ng iba sa inyo.

Tunay ngang matalino at napakabuti ng Diyos sapagkat binigyan niya ako ng isang sitwasyun (pagkakataon) upang aking maunawaan at maitindihan ang mga babalang sinabi sa akin ng aking mga kaibigan bago ako dumating sa Branch na ito. Babalang ipinagkibit balikat ko sapagkat ang aking ugali ay huwag maghusga sa tao. Kung ano ang mukhang iharap ninyo sa akin ay higit pa roon ang aking ipapakita.

Mga kaibigan na hanggang sa ngayun ay nagpapakita ng supporta at pag unawa. Yung iba ay pinag-kwentuhan pa ng ilan sa inyo ngunit bumalik din sa akin at binigyan uli ako ng babala. Sa kanila-isang malaking Pasasalamat ang aking ibinibigay sapagkat gumagaan ang aking pakiramdam na nagpabigat sa inasal ng ilan sa inyo. Alam niyo kung sino kayo. Ang aking lamang dasal, na sana ay baguhin niyo ang inyong ugali sapagkat mas mahirap kapag ito ay bumalik sa inyo.

Para akong sinaksak ng balaraw sa aking likuran. May naiwang sugat. Lilipas ang panahon at ito ay maghihilom pero may maiiwang pilat na magsisilbing paalala-alala ng kaganapang ito.

Oo, pinapatawad ko na kayo sapagkat kahit kailan ay hindi ako nagtatanim ng galit sa kahit kanino, sa kahit na anong pagkakataon. Hindi ba’t lagi kong sinasabi sa inyo na “darating ang panahon at magkakaroon tayo ng hindi pagkaka-intindihan. May masasabi akong ikakasama ng inyong loob. Pero ito ay sa pag ganap ko lamang ng aking tungkulin. Kung may maiwang galit sa inyong puso ay wala akong magagawa. Subali’t ako - ay hinding-hindi mag iiwan ni katiting na galit. Trabaho lamang at walang personalan”.

Muli salamat sa mga nagpakita ng suporta. Tanging Diyos lamang ang makapag sasabi kung ang naganap na pangyayari ay tama o mali. Huwag niyo sanang husgahan.

“Ang takalan inyong ginamit ay siya ring takalang aking gagamitin”.

“I shall pass this way but one, any good that I can do or any kindness that I can show, let me do it now, for I shall never pass this way again”.

Sa mga kakilala ko, Please lamang po at huwag niyo akong tanungin kung sino sila. Hehehehe!

Smile and the whole world smile with you, cry and you cry alone.

Boto niyo na lang ako:

Philippine Blog Contest - If this is not too much to ask? Kindly give me your two clicks of time to vote on this website. Please direct your mouse on this link http://www.gotpinoy.com/voteblog.cfm?BlogID=54 – Thank you so much!

Rate this:
2.5
Stumble it!

2 Responses to “Isang Bukas na Liham”

  1. no imagepinaymommy (Who am I?) Says:

    i read your post regarding the personnel na mag-reresign. hinde lang ako nag comment kasi i have similar arguments when i was managing a branch pa.

    but when i came back and read this. pare naman! pinapahirapan mo naman akong magbasa. LOL!!!

    anyway, buti na lang naintindihan ko. hehehe…

    kasama mo ako dyan. dami talaga back stabbers sa work place esp if you have a position. gusto nila maging ikaw.

    Rate this:
    2.5
  2. no imageadmin (Who am I?) Says:

    pinaymommy - Sorry ha,paminsan-minsan ginagamit natin ang pagiging pilosopo takyo.

    Rate this:
    2.5

Leave a Reply