A close family friend of mine ask my opinion about the marital problem a couple was having. So I wrote him this piece.
Marriage is a union of two distinct individual. You decided to get married for the simple reason that you believe that each one compliment each other. Each one will give strength when one is weak. Give courage when there are sign of hopelessness. In other word you two become one under the eyes of man and with blessing of the Lord.
You alone find each other. Your relatives and friends became a witness to this marriage vow and are all praying for your successful union.
Now you want to surrender your promise of “for richer or for poorer, in sickness and in health till death do us part”.
Ang tanong lang diyan ay ganito:
Nung kasalan na - kayong dalawa lang ang desisyun, pero bakit ngayung mukhang hindi kayo mag kasundo ay tila madaming tao ang nadadamay?
Nalimutan niyo na ba ang mga masasayang mga sandali na inyong ginugol sa isa’t-isa na nagpaalab ng inyong pagmamahalan. Mga matatamis na sandali kaya kayo napalapit at nag sumpaan ng lubos na mag mamahalan, na humantong sa kasalan.
Napalitan na ba ng galit o poot ang inyong mga puso at iba na ang nakikita ninyong katangian ng bawat isa.
Huwag naman sana humantong na pati nga magulang ninyo o ibang mga taong mahal nyo sa buhay ay madadamay at masisilipan nang kamalian.
Hindi na kayo mga bata na kapag nag away ay mag susulian ng laruan o Candy.
Ang pinabuklod ng Diyos ay dapat magsama sa hirap o ginhawa, sa sakit o kalusugan at tanging kamatayan lamang ang dapat makapag pahiwalay sa inyo. Ang pinakbuklod ng Diyos ay hindi kayang paghiwalayin ng tao.
Walang taong perpekto, ang kahinaan ng isa ay dapat maging lakas ng isa. Sa mabigat na suliranin, ang isa dapat magbigay ng pag-asa. Kaya nga kabiyak ang tawag sa asawa.
Ang dapat gawin ng bawat isa ay magharap at mag-usap ng buong kataimtiman at katapatan upang maayos ang anumang sigalot.
Maraming nga tanong ang hindi maipapaliwanag sa pamamagitan ng text o tawag sa telepono. Ngayun higit kailan man ay kailangan ninyong pag usapan ng maayos bilang mga marangal na tao ng lipunan.
Kung sakali man na talagang hindi na ninyo matanggap at mapatawad ang bawat isa, at least man lamang ay mag hiwalay kayo na may dignidad at respito sa bawat isa.
Maghiwalay kayo na may mga aral na natutunan upang magamit ninyo sa pag palawak ng inyong karunungan upang hindi na ito maulit muli. Maghiwalay kayo ng walang bitterness at hindi mga kasiraan ng pagkatao ng bawat isa ang dala-dala natin sa ating damdamin.
Acceptance o pagtanggap ang una dapat ninyong gawin. Pagtanggap kung saan nag mula ang mga kamalian na nakikita ninyo sa ngayun. Kailangan ninyong matutunang ibaba ang inyong mga pride para kayo mag kaintindihan. Hanggat pinapairal ninyo ang kataasan, ang ugaling kayo ang laging tama ay hindi ninyo maaayos ito. Pag aralan sana ninyo ang pakikinig sa paliwanag ng ibang tao. Listening is a start of a good conversation.
Hindi importante kung sino ang tama. Ang mahalag ay kung ano ang tama.
Let Christ be the center of your union and you’ll never be wrong.
Bato-bato sa langit ang tamaan wag magalit.
“I shot an arrow into the air,
It fell to earth, I knew not where;
For, so swiftly it flew, the sight
Could not follow it in its flight”. . .