Archive for the ‘Pinoy Ako’ Category

2008 Philippine Blog Awards

Tuesday, January 15th, 2008

2008 Philippines Blog award

Let’s help spread the good news!

Got this from Touch by an Angel, Yugatech, kutitots, and a few other names (hope got their name right).

The awarding is open to all Filipino bloggers who have full ownership of their blogs. This implies that blogs belonging to blog networks or corporate blogs cannot be included because of ownership rights. The awards therefore pay homage to “grassroots bloggers” who have built up their blogs from their own efforts.

They are also looking for volunteers for the upcoming Awards Night. And if you’re interested to sponsor, drop them a line and they’ll be in touch.

What are you waiting for, please help spread the good news!

 

 

Rate this:
2.5

Emergency

Saturday, December 15th, 2007

JollibeeCR

Pasintabi sa mga kumakain…

Nasubukan niyo na bang mag emergency ng landing, este ng feeling na may kumukulo sa inyong tiyan? Yung bang tila babagsak na ang iyung ibak at ikaw ay nasa kahabaan ng Rizal Avenue? Anong unang pangalan ng restaurant o kainan ang papasok sa iyong isipan?

Tama, walang iba kundi si Pareng Jo, Jollibee! Yung may icon ng bubuyog.
Pero napagtanto ko na ang lahat ng iyan ay noung araw lamang. Bakit kamo? Subukan mo ngang magawi sa Monumento, bago ka dumating sa LRT kung galing ka sa 12Th Ave. Kung galing ka naman ng EDSA ay nasa gawing kaliwa siya ng Rizal Avenue paglagpas ng LRT, Munumento Station.
Yan ang bubulaga sa iyo. Eh pano mo mairaraos ang nag susumiksik at nag pupumilit na lumabas na ebak kung ganito ang eksena? Isang kubeta na ding-ding lang sa likod ang meron at walang sariling pinto at sariling pader. Animo isang fountain sa isang disyerto at napapaligiran ka ng ihian.

Pero teka, sasabihin mo, pwede mo naming I-lock ang pinto. Try nyo lang, at ang tatambad sa inyong mga mata na lock ay . .. “wala”. Tama kuya, walang lock sa pinto (Main Door).

“Eh paano mo naman nalaman?” ang tanong niyo. Eh, nangyari sa akin yan.
Buti na lang at ang katabi niya (na sa tingin ko ay laging gustong magkatabi o magkatapat) na si Pareng Mc( MC DO) ay merong maayos na CR.

Hay salamat po. Kailan ba ang C.R. ay comfort room at kailan naman ito nagiging Uncomfort Room?

Kayo naman ang maghanap ng ganitong CR sama ako ng lima.

Rate this:
2.5

Ala-ala (P.C. Memory Card)

Thursday, November 29th, 2007

        Hindi ko akalain na mararanasan ko itong ganitong klase ng serbesyo dito sa PCexpress kalookan branch. Sa may monumento. Taas ng Citibank.Ang dami naman ng personnel nila at sa tingin ko nga ay over staff pa.
Umaga kanina(9/29/07), bago mag 10:00 ng umaga dala ko ang Memory card(512 mb) na binili last 10/30/07 kasama ang O.R. nito.
Wait muna ako,maya-maya ma pumasok sa testing are nila na babae, inilapit ko ang problema ko. Asan daw yung resibo?Sabi ko hindi ba resibo yan sabay turo sa O.R. Hindi kumibo at meron pa daw isang invoice. Ipinasa sa lalake(hindi ko na inalam nga pangalan nila dahil tiwala naman ako)

“Ano daw ang sira?” Sabi nung lalake. “Namamatay din ayaw mag boot, pero kapag ibang memory card gamit ok naman” mabilis kung tugon. Ipinatong sa table at upo daw muna ako. Mga Ilang minuto, galing sa table napunta sa ibabaw ng box memory card ko. Parang paurong ng paurong. Baka kako busy, ask ko kung what time pwede balikan. “After lunch daw” sagot ni poging lamig. Ask ko kung may ibibigay silang papel para ma claim,wala na daw kasi may o.r. naman.
After lunch bumalik ako mga 1:10 pm, wait lang daw at papasok na yung babae na gagawa ng “paper” kasi papa warranty daw(medyo amerikan-pinoy ata). 1:31 pm na wala pa ko sabi balik na lang ako. Kainip mag antay kung puro istambay na tao nakikita mo.
2:30 pm Need ko pumunta sa Baclaran dahil sa collection day sa isang customer and delivery sa isa pa.

Pinakiusapan ko yung kasama ko at ibinigay ko ang warranty invoice na nakita ko(ito yung hinahanap nung una) pati ID ko para siya na ang mag claim.
Mga 3:00 P.M. nag text ang Supervisor namin “Sir, hindi ma trace yung item daw dun sa pcxpress kung kelan dw po dinala? kung ipapaayos ba daw o nasa warranty pa? tawagan na lang daw po sa number na ito 323-55-77″
Walandyo naman, tinamaan ng P*&^%$ sobrang laki ba ng office nila at hindi makita. Kinailangan ko bumalik agad, nag LRT at pagdating dun sa store pinabalik ko na ang kasama ko na 3 times nagpabalik balik. Hinahanapan ng job order.
Ilang minuto pa rin ako nag hintay(medyo kumukulo na ang dugo ko sa asar). Ikwenento ko sa cashier’s office bakit ganun ang serbisyo nila? Pinuntahan niya sa loob ng kuwarto, at nang mag paliwanagan na, wala sa kanila ang nag sabi ng mga nangyari dito. In other words wala akong nakausap. Ang dami palang multo diyan sa store niyo.         Sigurado naman ako hindi sira ulo ko. Then yung isang tao na wala, “JoJo”, yun daw kausap ko. Nag tanong pa itong isang genuis na technician sa akin”Sir sira ho ba?” sabay pakita sa akin ang memory card. Natawa ako sabay sabi”Ano sa palagay mo, kaya ko dinala para panoorin natin? What do you think?”

Then yung babae na una kung nakausap, matapos ang ilang minuto uli, lumabas may dalang bagong memory card, nilagyan ng sticker at sabi “Sorry ho, hindi lang nag kaintindihan”.

“What, are we spokenin chinese and your answering in Japanese”. Sabi ko na lang yan sa loob ko. Mga p*&%$#@ nyo, matapos masira ang araw ko at gabi ganun na lang.

Hindi na ako babalik diyan kahit utuin niyo pa ako…

Rate this:
2.5

Galing Kay Adonis

Friday, November 23rd, 2007

Old Couple

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Rate this:
2.5

Galing sa Boss Ko

Thursday, November 22nd, 2007

 

 

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”
Sa mahirap, “sira ang ulo”

Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo
Kung mahirap, “TB” yon

Sa mayaman, “hyperacidity”
Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan

Sa mayamang “malikot ang kamay”, ang tawag ay “kleptomaniac”
Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan”

Pag mayaman ka, you’re “eccentric”
Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad”

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic”
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay “morena” o “sun tanned”
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”

Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”
Kapag mahirap ka, ika’y “tabatsoy” o “lumba-lumba”…pagminamalas ka,
“baboy”

Kapag mayaman, “fasting” ang hindi kumain
Kung mahirap, “nagtitiis”

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay “socialite”.
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala” o “pok-pok”

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay “liberated”.
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo “malandi”

Kapag mayaman, “misguided” o “spoiled” ka.
Kung mahirap ka, “addict” o “durugista”

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo “single parent”
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo “disgrasyada”


Kapag mayaman at sexy, “fashionable” daw.

Kung mahirap, sigurado “GRO” o “japayuki” ka

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, “vegetarian”
Habang kakaawa ang mahirap na ” kumakain ng damo.”

Sa exclusive school, “assertive” ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay “bastos!”

Ang mayamang tumatanda, “are graduating gracefully into senior citizenhood”
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”

Ang anak ng mayaman ay “slow learner”
Ang anak ng mahirap ay “bobo” o “gung-gong”

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
“masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking”

Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host
will say to himself na ikaw ay “patay-gutom”

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang
tawag sa iyo “expat”

Kung mahirap ka lang, ikaw ay “contract worker”

Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, “okay lang” Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay “nagbubulakbol”… kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod mo ang boss mo!




Rate this:
2.5

From My Inbox-Poor ANDOY

Saturday, November 17th, 2007

Somewhere in Milaor,Camarines Sur, there lived a fourth grader boy who would follow this route to school everyday: He has to cross the rugged plains and cross the dangerous highway where vehicles are recklessly driving endlessly.

Once past this highway, the boy would take a short cut, passing by the Church every morning just to say Hi to God, and faithfully say his, “Magandang umaga po” in Bicol dialect. He was faithfully being watched by a Priest who was happy to find innocence so uplifting in the morning.
“Kamusta, Andoy? Papasok ka na?”

“Opo padre … “

he would flash his innocent grin, the priest would be touched. He was so concerned that one day he talked to Andoy.

“From school….”, he advised “Do not cross the highway, you can pass through the Church and I can accompany you to the other side of the road …that way I can see that you are home safe….”

“Thank you father …”
“Why don’t you go home … do you stay in this church right after school?”

“I just want to say “Hi” to my friend, God,”

and the priest would leave the boy to spend time beside the altar, talking to himself, but the priest was hiding behind the altar to listen to what this boy has to say to his heavenly FATHER.

“You know my math exam was pretty bad today, but I did not cheat although my seatmate is bullying me for notes… I ate one cracker and drank my water, Itay had a bad season and all I can eat is this cracker. Thank you for this! I saw a poor kitten who was hungry and I know how he feels so I gave my last cracker to him … funny but I am not that hungry. Look, this is my last pair of slippers …I may have to walk barefoot next week, you see this is about to be broken… but it is okay
….at least I am still going to school…. Some say we will have a hard season this month, some of my classmates have already stopped going to school … please help them get to school again, please God? …Oh, you know, Inay hit me again, it is painful, but I know this pain will pass away, at least I still have a mother…. God, you want to see my bruises? I know you can heal them…. Here… here and …. oh …blood …. I guess you knew about this one huh? Please don’t be mad at Inay, she is just tired and she worries for the food in our table and my
schooling that is why she hits us ….Oh, I think I am in love …
there’s this pretty girl in my class, her name is Anita … do you think she will like me? Anyway, at least I know you will always like me, I don’t have to be anybody just to please you, you are my very best friend! Hey your birthday is two days from
now!!! Aren’t you excited? I am! Wait till you see, I have a gift for you ….. but it is a surprise! I hope you will like it! Oooops, I have to go …” then he stood up and calls out, “Padre, padre, I am finished talking to my friend … you can accompany me to the other side of the road now”

This routine happens everyday. Andoy never fails. Father Agaton shares this every Sunday to the people in his church because he has not seen a very pure faith and trust in God, a very positive look at negative situations.

One Christmas day, Father Agaton was sick so he could not make it in the Church, he was sent to the hospital. The Church was left to 4 manangs who would chant the rosary in 1000 miles per hour, would not smile and would always find fault in what you do, they were also very well versed in cursing and swearing if you irritate them!
They were kneeling, saying their kilometric rosary when Andoy, coming from his Christmas party, playfully dashed in.

“Hello God! I ….”

“P—-!! (a curse) bata ka!! Alam mo nang may nagdadasal!! Alis!!”

Poor Andoy was so terrified, “Where’s Father Agaton? He is supposed to help me cross the street …. and to be able to cross the street I will have to pass by the back door of this church …not only that, I have to greet Jesus. It is His birthday, I have a gift right here….”

Just as he was about to get the gift out of his shirt, the manang pulled his shirt and threw him out of the church.
“Susmaryosep!!! (does the sign of the cross fervently) Alis kang bata ka, kung hindi matatamaan ka!!!

So the boy had no choice but to cross the dangerous side of the road in front of the church. He crossed. A fast moving bus came in. There was a blind curve. The boy was protecting his gift inside his shirt, so he was not looking. There was so little time. Andoy died on the spot! A lot of people crowded the poor boy, the body of a lifeless young boy …

Suddenly, out of nowhere a tall man in a pure white shirt and pants, a face so mild and gentle, but with eyes full of tears… He came and carried the boy in His arms. He was crying. Curious bystanders nudged the man in white, and asked,

“Excuse me sir, are you related to this child? Do you know this child?”

The man in white, His face mourning and in agony, looked up and answered,

“He was my best friend …. ” was all he said. He took the badly wrapped gift in the bloody chest of the lifeless boy, and placed it near His heart.

He stood up and carried the boy away and they both disappeared in sight. The crowd was curious …

On Christmas Eve, Father Agaton learned of the shocking news. He visited the house, and wanted to verify about the man in white. He consulted the parents of Andoy.
“How did you know that your son died?”
“A man in white brought him here.” sobbed the mother.
“What did he say?”
The father answered, “He did not say anything. He was mourning. We do not know him and yet he was very lonely about our son’s death, as if he knew our son very well. But there was something peaceful and unexplainable about him. He gave me my son, and then he smiled peacefully. He brushed my son’s hair away from his face and kissed him
on his forehead, then he whispered something …”

“What did he say?”
“He said to my boy…” the father began, “Thank you for the gift … I will see you soon …. you will be with me…” and the father of the boy continued, “and you know for a while, it felt so wonderful … I cried, but I do not know why…..all I know is I cried tears of joy … I could not explain it, Father, but when that man left, something peaceful came over me, I felt a deep sense of love inside … I could not explain the joy in my heart, I knew my boy is in heaven now but…tell me, Father, who is this man that my son talks to everyday in your church, you should know because you are always there … except at the time of his death….”

Father Agaton suddenly felt the tears welling in his eyes, with
trembling knees, he murmurred, ” …. He was talking to no one ….. but .. GOD….”

If you love this story, please. pass this on to your friends.

I just did!

Rate this:
2.5

Dating Daan, Bagong Daan

Thursday, November 15th, 2007

Ngayon talaga ang kaarawan ng anak ko. Kaya lang naisip niya na kahapon (November 14) na lang ganapin ang kaunting pag titipon dahil darating mga ka eskwela niya sa Fatima College. Ngayong Huwebes ay wala silang pasok kaya makakapahinga siya.

Nagluto ako ng Sisig, nag steem ng Tilapia na nilagyan ko na mayonnaise tsaka binudburan ng sunog na bawang, nag ihaw ng bangus pinalaman ng kamatis at sibuyas, yung balat ng baka ginawa ko naman na sopas.

Mrs ko na ang nagluto ng Chopsuey at Spaghetti. Para ma kumpleto bumili ng kauting “RC” softdrinks at Kaunti ring Ice Cream.


Okay naman ang lahat nang may matanggap akong text message galling sa Supervisor ko na sarado na raw ang dalawang pidestrian crossing sa tapat naming(Ever Grand Central) at dun sa kabila na tapat naman ng Allied Bank. Maaring nasa 50 - 60 metro ang layo ng agwat ng dalawang ito.

Dating Daan, Este Dating TawiranDating Daan Este Dating Tawiran, Tapat ng Ever Grand Gotesco.

“Ano” Sarado na naman. Eh! Nung sinarado yan halos isang taon (Nabuksan lang noong December,2006) bumagsak ang benta ng mga nangangalakal sa hilera ng lugar na yun. Tsaka nahihirapan mga tao lalo na yung gumagamit ng LRT. Sa halip na mapabilis ang kanilang pagtawid sa magkabilang kalsada ay umiikot pa sa mas malayo. Paano kung may mabigat kang dalahin. Kawawang Juan dela cruz.

Ang dami daw nilang nagawang sulat sa butihing Mayor Echiverri (ayun sa May ari ng ibang tindahan) bago daw ito nabuksan muli. Halos magkandalugi daw sila sa sobrang sama ng benta nila. At ngayon kung kailan mag papasko ay isasara uli. Ngayon ganitong panahon lamang sana makakabawi ng bentahan ang mga may ari ng tindahan dito.

Gaya ng Jollibee, Big Bob’s Pares, Zenco Footstep, Fairy Mart at Mister Donut.

Bagong Tawiran na Binuksan kahaponBagong Tawiran

Pagpasok ko ngayung umaga ay aking napagtanto ang dahilan. Opening Day pala ngayun ng Victory Mall. Nasa harapan mismo ng ginawaan ng Bagong Tawiran, Ang “Bagong Daan”. Hmm! Tela yata may amoy malansang isda na nangyayari. Pwede po ba yun na kung may bagong Mall ay bigla-bigla ililipat ang tawiran ng tao. Pwede po ba ito sa “HOY GISING”! O sa “IMBESTIGADOR” ! O sa “XXX” ng Channel 2.

Victory MallVictory MallLion Dance Blessing

Maraming nag chismis sa akin na (bulong –bulong) kasosyo daw? Meron pa akong narinig na Tong Ching daw. Ewan ko, nabibingi na ata ako.

 

May pinuntahan akong tao, bigay ng isang may ari rin ng isang tindahan upang makapagbigay sana ng linaw sa aming agam-agam Itinuro ako sa kanilang opisina sa may Biglang Awa St. Pwede daw lakarin ayun sa isang trabahador (kasi ang suot niyang uniform, initial ng hinahanap ko). Buti hindi ako naniwala at sumakay ako, medyo malayo talaga ha! Then sabi ng nung Driver ng jeep “apat na kanto yun na”. Limang kanto na nabilang ko wala pa rin. Pakatapos ng 2 tanong sa dalawang tao (yung isa hindi daw tagadoon) at lampasan ilang nababahang kalsada nahanap ko rin. Nag tanong ako sa “Information” pero wala akong nakuha kaya itinuro ako sa opisina. Ang lakas pa naman ng ulan, basang-basa na ako kahit may payong ako. Tila pinasok na ng tubig ang sapatos ko sa dami ng tubig baha na nilakaran ko.

Nakangiti akong sinalubong ng babae na nasa opisina sabay tanong kung ano daw ba ang sadya ko. Matapos kung ipaliwanag ang aking pakay at kung sino ang taong kailangan ko. Ay matunog na” wala ho dito” ang narinig ko. “Bihira siya dito at dun ho siya madalas mag opisina”. Bilis-bilis akong pumunta sa lugar na tinuran ng ale. Pagdating ko doon ay matunog uling “ Wala Pa ho” “Maulan kasi baka mamaya pa”. Mangiyak ngiyak na ako. Tinignan ko ang relo ko, mag alas onse na pala ng umaga. “Babalik na lang ako” sabi ko. Bumalik ako nang matuyo na ang medyas ko. Mag aalas kuatro na ng hapon. Ang sagot uli sa akin ng mga tao doon ay isa uling matunog na “Wala pa ho”, “ano ho ba ang sadya ninyo”?

Sa madaling salita, walang nangyari. Mabuti at nasalubong ko si Pareng Kanor na animo Abogado de kampanilya kung mag isip. Ang Payo niya, “Pare, punta ka sa Ombudsman o kaya sa Congress, Doon ka mag reklamo.” Nakita mo na, tatango-tango akong lumisan at sabi ko sa sarili ko,” Isusulat ko na lang ito dito.”


Kung sino man ay may “Suggestion” kung paano namin gagawan ng solosyun ang aming suliraning ito, paki sagot po lamang at kung maging tama ang inyong mungkahe bibigyan namin kayo ng isang kahon ng Mister Donut. Promise!

Rate this:
2.5
Philippines Best of Blogs
ss_blog_claim=99adb34da988bf1f796d4c9887233ab7
Visit filconnect